Monday, 10 March 2014

Travel Brochure

Pangkat 4 = 
  7-Maalalahanin (2013-2014)

Leader:
    Yssabela Cordero

Miyembro:
     Ma. Crismarthel Barroga
     Shirley Fernandez
     Erica Ramos
     Jemina Wasawas
     Jocelyn Dela Paz
     Argem Canlas



Ang proyektong panturismo na ito ay ginawa upang maghikayat ng mga tao. Ito aynaglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging kumpleto ang kanilang karanasan.  Ito rin ay nilalaman ng mga magagandang tanawin sa NCR na kung saan ay pwedeng pasyalan ng mga tao o mga taga ibang bansa.
Pwedeng pagpasyalan ng mga pamilya, maraming matututunan at siguradong mageenjoy ka dito dahil sa ganda ng mga views at masasarap na pagkain.  May mga magaganda ring simbahan dito marami narin ang pumunta sa mga lugar na to makikita mo sakanila na natuwa sila.  Magaganda rin ang mga produkto dito sa mga lugar tiyak ay matutuwa ka.



BIBLIYOGRAPIYA

Ang National Capital Region ng Pilipinas ay ang metropolitan region ng mga bansa na binubuo ng Maynila at ang mga nakapalibot na lungsod ay Las PiñasMakatiMalabonMandaluyongMarikina,
MuntinlupaNavotasParañaque,PasayPasigQuezon CitySan JuanTaguig, at Valenzuela.

Ang rehiyon ay ang centro ng kultura, kabuhayan, educasyon, politika ng pilipinas.  Ang pinakamatao at pinakamalaking lungsod sa mga tuntunin lugar ay Quezon City, may sentro ng negosyo at pinansyal na mga aktibidad sa makati. Marami rin ditong pwedeng pasyalan katulad ng Manila Ocean Park na kung saan ay makakakita ka ng ibat ibang klase ng isda, Luneta Park na kung saan ay nandun ang monumento ni Dr. Jose Rizal, Quezon Memorial Circle
makikita mo dito ang Quezon Memorial Shrine at ang museo ni Manuel Quezon, Malabon Zoo na makakakita ka ng ibat ibang hayop, Ninoy Aquino Park na isang wild center na merong mga hayop na inaalagaan dahil sa endangered. Meron ding mga simbahan kung saan dinadayo ito ng mga turista dahil sa ganda nito.

Ang karapang yarihan na ginagawa ay ang rehiyon sentro ng bansa para sa pinansya at commerce. Ang gross rehiyonal na produkto ay tinatayang bilang ng Hulyo 2011 upang maging $ 159,000,000,000 at mga account para sa 33% ng GDP sa bansa. Ito ay nakalista sa pamamagitan ng pricewaterhousecoopers noong 2011 bilang ang ika-28 pinakamalaking ekonomiya ng lahat ng mga lunsod o bayan agglomerations sa mundo at ang ika-2 sa Timog-silangang Asya.Bilang ipinahayag sa pamamagitan ng pampanguluhan mag-atas hindi. 940, Metro Manila, sa kabuuan, ay upuan ng gobyerno ng Pilipinas habang ang lungsod ng Maynila ay ang kabisera. Metro Manila ay ang pinaka matao ng 12 natukoy metropolitan na lugar sa Pilipinas at ang ika-11 pinaka-matao sa mundo. Bilang ng 2010 senso, ito ay nagkaroon ng isang populasyong 11,855,975, katumbas ng 13% ng pambansang populasyon.

Ang kabuuan ng kabuuang populasyon ng lalawigan na may density sa itaas 700 tao bawat kilometro parisukat (mahigit sa double ang pambansang average) sa isang magkadikit zone sa Metro Manila ay 25,500,000 mga tao bilang ng 2007 senso. Isang paraan upang sumangguni sa conurbation sa paligid ng Metro Manila ay mas malaki area ng Manila.

Saturday, 8 March 2014

Luneta Park, Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino Park, Quiapo & Baclaran Church, Divisoria Mall, Manila Ocean Park, La Mesa Eco Park, Malabon Zoo, Guadalupe Viejo Church.

Luneta Park

Ang Luneta Park ay isang pook pasyalan sa katabi ng intramuros o "Walled city" noong panahon ng mga kastila.  Dito binaril si Dr. Jose Rizal noong ika 30 ng disyembre 1896 kinalaunan  ito ay tinawag na Luneta Park  sa ngayon ito ay kilala sa tawag na Rizal Park.  Tinuturing na isa sa pinakamalaking park sa Timog-Silangan Asya, ang Rizal Park ay may sukat na 58 hectares. 
Noong panahon ng Kastila kilala ang lugar na ito bilang Bagumbayan.  Dito din ginaganap ang mga pagpatay sa mga rebeldeng Pilipino.  Noong 1902, plano ng architect na si Daniel Burnham na gawing sentro ng gobyerno ang Luneta at dito itinayo ang Executive House, Kagawaran ng Turismo at Department of Finance.
Tinawag itong Rizal Park bilang pagalala at parangal kay Dr. Jose Rizal na binaril dito noong Disyembre 30, 1896 at inilibing ang mga labi niya dito noong 1912.

Ang Luneta Park ay madalas na dinadayo ng mga turista dahil sa rebulto ni Dr. Jose Rizal, Dancing fountain at ang mga bilihan dito.  Karamihan sa mga pamilyang pilipino o mga dayuhan ay dito nagbabagong taon o nagpapasko nanunuod  ng mga  fireworks.  
 Ito ay  nasa Roxas Boulevard, City of Manila.

 







Quezon Memorial Circle

Isa itong landmark ng lungsod kung saan ang matayog na dambanang Quezon ay matatanaw.  Malapit lang ito sa City Hall at isang tawid lang ng lansangan ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Ang Quezon Memorial Circle ay parang Rizal Park Dahil Sa Rizal Park ay naroon ang labi ni Rizal, dito sa QMC nakalibing si dating Pangulong Quezon.  Ito ang “Quezon Memorial Shrine”.  Ang ilalim ng dambana  ay ginawa ng museo kung saan makikita ang mga larawan ng pamilyang Quezon.  Narito rin ang ilang bagay na naiwan nya.  Makikita naman ang mga pag-papagandang ginagawa rito ng pamahalalan ng Quezon City.  Inayos  na ang lugar kung saan pwedeng mag-picnic.  Naging maaliwalas na ang lugar.  Nag-lagay rin ng mga bakal na pwedeng gamitin sa pag-eehersisyo. Halatang ginastusan ang pag-sasaayos ng Circle. Marami naring magkakasama at mag mag-pamilya na masayang pinagsasaluhan ang kanilang mga pagkain.  Marami ng mga pagbabago para isaayos ang lugar na ginagawa dito.  Meron na ritong zip-line, go-cart. Maganda rin ang pagbabago na ito ginagawa sa Circle.  Kahit paano ay may mga maaring pagpilian ang mga namamasyal.   May bayad ang pag-sakay sa mga lugar na ito dito rin sa Circle makikita ang “Vibes Massage” kung saan pwede kang mag-pamasahe sa mga bulag.  Masarap mag-pamassage dito matapos ang isang mahabang pakikibaka sa maghapong trabaho.  Mainam rin rito ang magpahagod ng pagal ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo.  Meron din ditong mga rides katulad ng wild wind,peris wheel at iba pa na makikita sa Circle Of Fun at Circle Of  Joy. Meron din dito mga nagtitinda ng mga damit, laruan at iba pa.  Makakabili ka rin dito ng masarap na bibingka at puto bungbong,  may mga souvenir katulad ng key chain at bracelet.  Tuwing gabi makikita mo na umiilaw ng iba't ibang kulay ang Quezon Memorial Shrine.
























Ninoy Aquino Park At Wild Life Center

Ang Ninoy Aquino Park o Wild Life Center ay ipinangalan kay Benigno"Ninoy"Aquino Jr.  Ito ay 64.58-hectare.  Makikita dito ang malalaking ahas, mga makukulay na ibon at ibat-ibang uri ng mga hayop.  Mayroon din  ditong isang malawak na hardin na may magagandang bulaklak at isang Lagoon kung saan pwedeng mamangka at makipag habulan sa mga tutubi at paru-paro.  Meron din itong playground at rescue center para sa mga hayop na nakumpiska, Dinonate at  may sakit .   Tahimik sa loob nito at ang nag-lalakihang mga puno at mga halaman ay nag-bibigay lilim sa matinding sikat ng araw at kanlungan naman kapag umulan. Mainam talaga mag-lakad lakad at mag-muni muni sa loob ng parkeng ito.   Maganda ito puntahan ng mga pamilya lalo na pag araw ng pasko.








Quiapo Church

Ang Basilika Menor ng Itim na Nazareno, na kilala rin bilang Parokya ni San Juan Bautista at impormal na kilala bilang Simbahan ng Quiapo ay isang kilalang Simbahang Katoliko Romano Ritong Latin na Basilika na matatagpuan sa Distrito ng Quiapo, Manila. Ang simbahang ito ay kinikilala dahil dito nakalagak ang imahen ng Itim na Nazareno, Isang maitim na imahen ng Panginoong Jesukristo kung saan maraming mga namamanata ay natupad sa mapaghimalang kapangyarihan. Ang parokyang ito ay kinabibilangan ng Arkidiyosesis ng Maynila at ito'y kasalukuyang pinamamahalaan, ang Rektor at Kura Paroko na si Reb. Msgr. Jose Clemente Ignacio, P.C.







Baclaran Church

Ang Simbahan ng Baclaran ay isa sa pinakatanyag na simbahan sa Metro Manila. Nagsisimba ang mga deboto dito tuwing Miyerkules. Ang pista ng Our Mother of Perpetual Help ay tuwing Hunyo 27.  Dinadayo ito dahil sa magandang altar, malaki ang simbahan at marami ring santo dito marami din ditong nagsisimba pag tuwing  Pasko, araw ng pagkabuhay at Bagong taon.   Meroon ding mga vendors na nagtitinda sa gilid ng simbahan.  Meroon din ditong nagtitinda ng mga damit Pang kasal, Katulad ng barong, suit, at Gown.  Dito karin makakabili ng murang giveaways na pang binyag, birthday, at iba pa.
Marami ring mga murang damit, sapatos, bag, at mga gamit sa bahay na nabibili dito. May mall din ito may food court at mga grocery store. Maganda itong puntahan lalo na pag malapit na ang araw ng pasko nagmumura kase ang mga bilihin dito lalo na ang mga pag regalo. Dito rin makakabili ng mga murang prutas, gulay at karne. Makakabili karin dito ng murang bisikleta at Speakers.













Manila Ocean Park

Ang Manila Ocean Park ay may sukat na 8,000 square meters na mas malaki kumpara sa Sentosa Ocenaruim sa Singapore na may sukat lamang na 6,000 square meters. Higit na malaki rin umano ang ocenarium ng Manila Ocean Park kaysa sa ocenaruim sa Hong Kong Ocean Park.
Tinatayang mahigit na 20,000 marine inhabitants o 300 species ang makikita sa ocenaruim ng Manila Ocean Park. Hinati ang oceanaruim sa anim na bahagi na tinawag na Agos, Bahura, Buhay na Karagatan, Pating, Ang Kailaliman, at Laot.  Ang pangunahing atraksyon sa parke ay ang 25-metrong haba ng transparent tunnel kung saan makikita ang mga nilalang ng dagat. Ang karanasan ay tila paglalakbay sa ilalim ng dagat pero hindi na kailangan pang mabasa. Meroon din ditong bilihan ng mga souvenir katulad ng damit, teddy bears, key chain at iba pa.  Meroon ding mga kainan dito .Makikita mo dito ang magandang tanawin ng dagat.  Maganda itong pasyalan ng mga pamilya dahil may makukuha ditong aral. Kadalasan ang ibang pamilyang pilipino ay dito nagpapasko. 








La Mesa Eco Park


Ang La Mesa Eco Park ay itinayo noong 1929 sa pilipinas. Ito ay parte ng Angat-Ipo-La Mesa water system na nag susupply ng maraming tubig sa buong Metro Manila. Ang La Mesa Dam ay isang earth dam na kayang mag-imbak ng tubig ng  50.5 million cubic meters.  
Maganda  itong payalan dahil sa magagMndang tanawin. Meroon ditong Aquatic center, Narra Groove,  At May mga lugar din ditong pwedeng pagpicnican at meroon ding cottages. May playground din para sa mga bata. At Petron fitness&Mountain bike trails, Hourse back riding.  Makakakita ka rin dito ng magagandang bulaklak katulad ng mga orchids.  Maganda rin itong puntahan ng mga pamilya o mga turista dahil sa mga magagandang view o tanawin, Masarap ang simoy ng hangin, Tahamik at maraming halaman.








Malabon Zoo & Aquarium


Ang Zoo na ito ay itinayo 21 taon na nakalipas, si Manny Tanco ang may ari nitong zoo
Makikita mo dito ang mga hayop katulad ng Elepante, Tigre, Ahas at iba pa.  Pwede ring magpapicture at magpakain sa mga hayop dito pwede karing mag pakain ng Arapaima fish ang pinakamalaking Freshwater fishgaling sa Brazil limalaki ito ng hanggang 15 feet pinapakain ito ng galunggong.  Di ka mag kakamaling pumunta dito daling masaya, may matututunan at pang pamilya ang lugar.  Ang Malabon ay may pinagmamalaking pagkain katulad ng Pancit Malabon at mga kakanin katulad ng sa sapinsapin, puto, ube, cassava cake at iba pa. Sikat ang mga pagkain at lugar dito sa Malabon. Katulad nalang ng pagkain at Malobon Zoo na ito dinadayo dahil sa mga magagandang hayop at masasarap na mga pagkain.














Guadalupe Viejo Church

Ang Guadalupe Viejo Church ay isa sa pinaka matandang simbahan sa Makati.  Marami ang nagsisimba dito
dahil sa maganda ang loob nito at ang altar. Marami rin ditong nagsho-Shooting/Nagphophotoshoot
dahil sa maganda ang labas nito.  Marami ditong nagsisimba lalo na pag pasko, Araw ng pagkamatay at pagkabuhay. Meroon din ditong salubong at prosisyon. Meroon ding mga pabasa at mga taong nagda-drama ng paghihirap ni Jesus.  Sa tabi nitong simbahan ay meroong semenaryo para sa mga batang gustong maging pari o maging madre. Maganda rin itong pagkasalan at pagbinyagan  dahil sa ganda ng loob nito at malaki ang labas.  Maayos ang loob ng simbahan at maganda ang altar nito. Isa rin itong madalas na puntahan pag tuwing bisita iglesia.  Sinisimulan ang Bisita Iglesia tuwing Huwebes matapos ang misa ng huling hapunan kung saan ang blessed sacrament ay nakalagak sa Altar of Repose hanggang hating gabi.